photo courtesy: mothervampire.tumblr.com |
It has been 3 days since the exam results have been released and the pain still strikes everytime someone congratulates me. Because after all, there's someone who also deserves to pass and and be mentioned on the list of board passers...that's Erwin.
Friday, that was the day na di ko kailanman makakalimutan
September 7 - a day before the celebration of Mama Mary's birthday.
Since Friday yun, we decided to attend the mass in Quiapo. We usually spend an hour every friday to attend or just visit the Black Nazarene since the start of the refresher course. And during that very day, sobrang dami ng tao sa Quiapo na di na kami makapasok so we decided na sa San Sebastian na lang mag simba. Kaming dalawa nalng ni Erwin noon dahil nagsipag uwian na ang mga kasama naming reviewees.
Natapos ang misa at nanatili kami sa loob ng simbahan for the "holy hour". Yun ang pinaka matinding novena na nasamahan ko. Di ko mapigil ang luha ko sa paghingi ng tawad ko kay Jesus. Even the novena leader was crying herself. Pansin ko rin sa mga sandaling iyon ang pag tangis ni Erwin. Noonpaman alam ko na ang desire ni Erwin na pumasa. Ako nama'y tanggap na kung anuman ang magiging resulta, gusto ko kasing magshift ng career kasi di ko naman talaga masyadong gusto ang trabaho ng GE.
Noo'y hinihintay namin ang results ng board exam for 2 days na. Lahat kami ay kabado sa magiging resulta. At gayunpaman, ang tanging dasal ko noon ay ipagkaloob Niya sa amin ang positibong resulta ng pagsusulit. Punong-puno ng luha ang panyo ko noon. Sa katapusan ng novena, kinalma ko na ang aking sarili at pinaubaya na ang lahat sa Panginoon. Nagbago ang hiling ko. Ang nais ko'y matanggap nila Nanay at Tatay kung anuman ang magging resulta ng exam.
Pagka labas na pagka labas namin sa simbahan ay sya namang pag tawag sa akin ni Kiko. Sinasabing may result na daw. Isa-isa nya kong tinanong ng mga pangalan ng kasama kong nag take. Si Karen - meron, si Martin - meron, si Karla - meron, si Maryjean - meron... ang tanging wala sa listahan ay si Erwin. Katabi ko noon si Erwin habang naglalakad. Nanginginig ang mga kamay ko sa mga naririnig ko. "Titingnan nlng din namin sa internet Kiks", wika ko.
Di ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman ko habang nakaharap sa computer. Katabi ko si Erwin sa internet shop, habang binabasa namin ang listahan ng mga pasado sa exam, at wala nga ang pangalan niya. Nakaharap man ako sa computer ang diwa at isip ko nama'y naglalakbay, nagtatanong, bakit? Anong nangyayari?
Animo'y kinukurot ang puso ko sa pag iyak ni Erwin. Di ko rin mapigilan ang pag daloy ng mga luha ko. Kapwa kaming humihikbi sa loob ng internet shop. Iilan lang din naman ang tao sa loob, at kung marami man, di ko pa rin mappigilan ang pagluha ko. Lalo na ng mabasa ko ang mensahe ni Erwin sa instructor namin, "I'm so sorry mam, I failed" sabay hikbi. Lalo pa siyang lumuha nang sinabi ni Mam na dont worry, "alam namin ang capabilidad mo, di magbabago ang pagtingin namin sa yo, proud pa rin ako sayo".
Umuwi kami ng bahay nang walang imikan. Di ko malaman kung ano ang sasabihin ko kay Erwin..Tumawag uli si Kiko at sinabing bibisita daw siya sa amin.
Nag inom kami hanggang alas 3 ng madaling araw. Noon ko rin napatunayan yung mga tunay na kaibigang maasahan mo sa lahat ng oras. Nang matapos ay hinatid ko sina Kiko sa kalsada, si Erwin nama'y umakyat na sa taas.
Nang makaalis na sina Kiko ay umakyat na rin ako at bumungad sa may hagdan si Erwin na nakaluhod at umiiyak. Madilim noon at ang tanging ilaw na nagpaliwanag sa buong silid ay ang kandilang ginagamit namin sa pag rrosaryo noong buo pa kami, noong magkasama pa kaming lahat ng reviewees. Di ko mapigilan ang sarili ko sa tanawing iyon. Ang aking kapatid na sobrang masayahin, the ever-strong, ang laging faithful at relihiyoso samin,-- ay umiiyak -- tumatangis at nagtatanong sa Panginoon.
Nagrosaryo kaming dalawa na ang mga salita'y halos di na maintindihan dahil sa pag tangis.
Dati, before sa rosary, si Erwin ay magsasabi ng aming mga petitions, thanksgiving, at praise kay God. May mga pagkkataon ding sa kanyang pagsasalita'y umiiyak siya sa desire na pumasa kaming lahat...Ngunit ngayon, puro luha at hagolgol ang narinig ko sa kanya.
Natapos ang rosaryo naming dalwa habang ang isip nami'y kapwa nagtatanong. Ganito ka ba ka harsh, Lord?
Sa lahat lahat, ako ang taong pinakamakakaramdam ng dusa ni Erwin. Kaya nararamdam kong mas matindi nga ang sakit kaysa mga praise at greetings.
No comments:
Post a Comment