Sunday, June 12, 2011

BOK-LIT : Si Bok at si Tolits

While on the road after the GPS observation, di ko maiwasang mapangiti sa dalawa kong kasama sa sasakyan – Si Bok at si Kuya Tolits. I was seated at the back, while the two were in front. Laging nagdedebate ang dalwa:



ROUND 1: Marriage
Lito : Okey yung sabi ni Kagawad ahhh. Katorse anyos na dalaga, pwede palang makasal dito.
Bok : Child abuse yun. Di naman pwede yun. Katorse anyos? Di pwede.
Lito : Eh, kung payag naman ang dalaga, paano magiging child abuse yun.
Bok : Child abuse nga yun. Menor de edad eh. Di yun pwede. Yung sa ospital nga, di nakakapag decide ang mga menor de edad.
Lito : Pwede yun. Eh, kung okey yung mga magulang na pakasal yung anak nya eh.
Bok : Di nga pwede makasal yun. Di naman papayag ang Mayor nyan.
Lito : …sa Mayor nga hindi..pero sabi ni kagawad pwede sa Kapitan…Kasalang Kapitan nga eh.
(Kuya 2lits wins)


…at biglang sumayad ang ilalim ng sasakyan sa putik.


ROUND 2: The Right Way
Bok : Sabi ko na nga eh… Dapat kanan pinili mong daanan..
Lito : Eh kung kanan pinili ko, lulubog din tayo dun…ang lalim at ang lambot dun oh…
Bok : Kita ko na eh…matigas na yung lupa dun. Dapat kanan pinili mo.
Lito : Hindi. Kaya ko naman yung daanan yung sa gitna. Nabitin lang ako pag bwelo…


Pinaatras ni Kuya 2lits ang van at pinili ang kanang part ng muddy road. Umusad na ang van.
Bok : Oh, tingnan mo... di ba okey? nakita ko na kasi yun eh...matigas na nga yung putik sa kanan.


(Panalo si Bok)


ROUND 3: Pagpapa-cemento
Bok : Dapat kasi ipa-cemento na lahat to. Dapat dumiretso na sila sa Senator. Magrequest dapat yung mga ofisyales ng Barangay eh.
Lito : Di pwede yun. Di ka pwede dumiretso sa Senator. Kailangan ka muna dumaan sa Mayor. Yung Mayor ang dapat magdecide.
Bok : Pwede yun. Eh Senator na yung lalapitan eh…Magagawan agad ng paraan.
Lito : Di nga pwede yun..
Bok : Pwede yun…Lalapit ka lang sa Senator eh.


Kung ganito ba naman mga kasama mo…di ka tatahimik at matatawa sa isang tabi? Hehe. Kulet nang mga ‘to.


-to be continued-

(next round: RELIGION)

No comments:

Post a Comment